Sunday, 9 February 2014

Deniece Cornejo says she filed rape case against Vhong Navarro to teach him a lesson

Mag-isa lang si Deniece Cornejo na dumating sa tanggapan ng kanyang legal counsel na si Atty. Howard Calleja kahapon ng tanghali, January 29, para repasuhin ang kanyang affidavit bago sila dumulog sa Taguig Hall of Justice para magsampa ng kasong rape laban kay Vhong Navarro.
Sumama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grupo ngStartalk na sinundan ang 22-year-old model sa pagsasampa nito ng demanda.
Halos dalawang oras nag-usap sina Deniece, Atty. Calleja, at ang isa pang abugado ng modelo na si Atty. Connie Aquino.
Pagkatapos nito ay tumuloy ang grupo nila sa Taguig Hall of Justice upang pormal na isampa sa Prosecutor’s Office ang kasong rape laban kay Vhong.
VHONG ALLEGEDLY APOLOGIZED TO DENIECE. Sa panayam ng PEP at Startalk kay Deniece, sinabi niyang pagkatapos nilang magpa-blotter noong January 22, dahil sa diumano’y panghahalay sa kanya ni Vhong, panay raw ang sorry sa kanya ng aktor kaya pinagbigyan niya ito at nagsabing hindi na siya magdedemanda.
"Attempted rape" ang reklamo ni Deniece nang magpa-blotter sila noong gabi ng January 22 Southern Police District.
Pero dahil nagsalita si Vhong at idinawit na siya sa gulo, kailangan na raw magsampa ng demanda ni Deniece para mabigyan ng hustisya ang ginawa sa kanya ng aktor.
Pahayag niya, “Nung una po, siya po ang sorry nang sorry sa akin.
"Binigyan ko lang siya ng pagkakataon na magbago at ipagpatuloy po ang buhay niya, yung career niya.
"At alam ko, marami naman pong nagmamahal sa kanya. May pamilya po siya at may mga anak siya.
“Kahit po dun sa condo pa lang, sorry nang sorry po siya hanggang sa police station.
"Pinapangaralan ko siya.

No comments:

Post a Comment